May isang mayaman na may dalawang anak na lalaki. Ang
pinakabata ay lumapit
sa ama at hiningi ang
kanyang mana.
Kaya ang ginawa ng
matanda ay hinati niya
ang kaniyang
kayamanan sa dalawa.
Ilang araw ang
nakalipas, umalis ang
bunsong anak at
nangibang bayan.
Inubos niya ang lahat
ng ibinigay sa kaniya
ng ama.
Nagkaroon ng
matinding taggutom
sa bansang iyon kaya
napilitan siyang
mamasukan sa isang
mamamayan na
nagpadala sa kaniya sa
bukid
bilang
tagapagpakain ng
baboy.
Habang nagtitiis siyang
kumain ng kaning
baboy dahil wala
namang ibinibigay sa
kanyang pagkain,
naalala niya ang
kaniyang ama at ang
mga katulong nito sa
kanilang sariling
pataniman.
Naisip niyang bakit siya
magtitiis
na mamatay
sa gutom habang ang
mga katulong ng
kaniyang ama ay
sagana sa pagkain.
Minabuti niyang umuwi
at humingi ng patawad
at handa siyang
magtrabaho kahit na
bilang katulong lang.
Malayo pa lang siya ay
natanaw na siya ng
kaniyang ama na
tumakbo at siya ay
niyakap at hinalikan.
Tinawag nito ang
kaniyang mga katulong
at
inutusang bihisan
ang kaniyang anak ng
magarang kasuotan,
bigyan ng sapatos at
singsing sa kaniyang
daliri. Iniutos din niya
ang magpatay ng baka
upang ipadiwang ang
pagbalik ng kaniyang
anak.
Ang panganay niyang
anak na nasa
pataniman ay narinig
ang musika at ang
pagsasaya habang
siya ay papalapit sa
bahay. Tinanong niya
ang isa sa mga utusan
kung ano ang
kasayahang yaon.
Nalaman niya na
nadiriwang ang
kaniyang ama sa
pagbalik ng kaniyang anak.
Nagalit ang panganay
na anak at ayae niyang
pumasok
para sumali
sa pagdiriwang.
Sinumbatan niya ang
kaniyang ama tungkol
sa kaniyang pagsisilbi
dito na parang alipin
subalit ni minsan ay
hindi siya binigyan ng
kahit maliit na kambing
para magsaya kasama
ang
kaniyang mga
kaibigan. PEro noang
dumating ang kaniyang
kapatid na nilustay ang
kaniyang mana sa mga
masasamang babae,ito ay binigyan pa niya ng pagsalubong.
Moral Lesson:
Sinagot siya ng
kaniyang ama na siya
ay naroong kasama
niya at lahat ng
kasaganaang
tinatamasa
niya ay
kasama siya
samantalang ang
kapatid niya ay nawala
at bumalik. Tila siya
namatay na nabuhay
ulit.(Luke 15:11-3)